Name the B*tch

Photobucket

Bigyan siya ng pangalan at manalo ng masigabong palakpakan.

Someone will Dayo on December

Malulufet talaga tayong mga Pinoy. Talented sa maraming bagay. Hindi na siguro bago sa atin yung mga kababayan nating kinikilala sa larangan ng paggawa ng comics, cartoons, animé at hentai.


Pero kadalasang mga gawa natin, ibang bansa rin nakikinabang at kadalasang hindi tayo nake-credit sa mga efforts natin. Kaya naman merong katulad ng Cutting Edge Productions para gumawa ng animation na ating-atin at angkop sa ating taste.

Pinagkahirapan nila talaga itong Dayo. Mabusisi ang process nila para masigurado nilang maganda ang quality ng ginagawa nilang full-length animated movie. Nu'ng nalaman ko nga kung paano ginagawa nila, naisip kong mahalin na lang ang propesyon ko. Nosebleed talaga ang animation. Hindi lang pawis ang binubuno dito, lahat na yata ng juices—pati na rin lovejuice—pinipiga para lang magawa ang movie na ito.



Trailer pa lang yan. Hintayin niyo na lang sa December. Ako nga naku-curious na rin sa outcome.

You Wanna Be or You Gotta Be?

Talentado ka ba? Pero hindi sa terms na tatawid sa alambre, kumain ng bubog, magpapasagasa sa jeep o humiga sa pako. Hindi rin sa paraan ng pagkanta na katulad ni Charice Pempengco o sumayaw katulad ni Billy Crawford. Ang talent na tinatanong ko ay kung kaya mo bang i-express ang sarili mo sa design. handa ka ng sakupin ang mundo, manalo ng salapi at ipakilala ang sarili mo sa pamamagitan ng astiging t-shirts ng Volcom. Pwes, heto na ang pagkakataon niyong sumikat!



Gumawa lang ng artwork na sumusunod sa theme na “Why Do You Keep on Hurting Your Neighborhood? What's Wrong with You?”. Kahit anong medium pwedeng gamitin; computer, water color, acrylic, photography, at kahit ano pang medium yan basta nakakagawa ng artworks pwede. Sundin lang ang sukat na 16.5 in (width) x 23.5 in (height), 300dpi, JPEG format. Tandaan, ang artwork dapat naka-incorporate ang logo ng Volcom.

*for more terms and conditions, please visit this site

Upload your entries on or before midnight of October 30, 2008 at www.volcomcallforart.com.

Kapag ikaw ang nanalo, hindi lang masigabong palakpakan ang matatanggap mo. Maaaring mag-uwi ng 25,000 pesos at 10,000 pesos shoppng spree of Volcom stuffs from Aloha Boardsports. Hindi lang yun, magiging Volcom Featured Artist pa.

So ano? Mangangarap ka na lang ba o gagawa ka na?

Lesson 1: Understanding your designing softwares

So gusto mong mag-design? Bumili ka ngayon ng CD para i-install ang software na gagamitin mo, tapos nakita mo. "Ay syet, hindi lang pala ang photoshop ang nandito! Ano ngayon ang gagamitin ko?"

Sa mga hindi nakakaalam, hindi lang photoshop ang ginagamit ng karamihan sa pagde-design. Bawat designing software ay may kani-kanilang purpose. Ang Adobe nga, naglabas pa ng Creative Suite para bigyang pansin ang bawat gawain ng mga designers.

Kaya nandito ako ngayon upang bigyan ng brief description ng mga designing software na ginagamit ng karamihan (mostly print) para hindi naman matanga ang marami.

Basic Photo Editing (e.g. Adobe Lightroom, Aperture, etc.) Heto yung kadalasang gamit ng mga photographers para i-quick edit ang mga pictures na kinuhanan nila. Basic lang ang kadalasang kayang gawin nito, convert ng files, brighten, contrast, red-eye reduction, effects, etc. 

Magandang paggamitan: Ang pag-aayos ng VGA quality sa mga Birds' eyeview Friendster Cam Pose.

Intermediate to Advanced Photo Editing (e.g. Adobe Photoshop, Corel Photopaint, etc.) Ito na yung madalas gamitin pero ang hindi alam ng karamihan, ang main purpose talaga nito ay mag-edit at mag-manipulate ng mga images. Maganda itong gamitin para tanggalin ang mga hindi kaaya-aya sa mga images. Yung mga tigidig na ikinakahiya, mga gustong pumuti, pagpapapayat sa mga matataba saka pagtanggal dun sa mamang nakasilip sa mga barkada pictures. Kung meron mang tatalo kina Belo o Calayan, heto na yun—sa images nga lang.

Okay ring gamitin sa mga posters, banners at iba pang print materials. Pero warning lang, kung text/copy heavy ang gagawin, hindi ito suggestable dahil naka-base ito sa pixels kaya pwedeng mabasag ang text. Pero kung konting text, stars at mga kaek-ekan lang naman, pwede na dito.

Magandang paggamitan: Pagpapangit sa mga kinaaayawang boss at mga kaaway.

Drawing softwares (CorelDraw, Freehand, Adobe Illustrator, etc.) Kadalasang ginagawa dito ay yung mga vector files. From the term pa lang alam na kagad kung saan ginagamit, pang-draw. Sa mga drawing softwares kasi pwedeng i-manipulate ang mga shapes, colors, texts, etc. Ang kadalasang usage nito ay sa mga logos at mga print materials (brochures, banners, flyers, etc.) na may complicated die-cuts (yung mga kakaibang shape na prints). Maganda rin ito pang-trace ng mga images.

At dahil nga vector files ang gamit (.ai, .eps, .fh, .cdr) nare-retain nito ang quality ng mga drawn files. Dito rin mas mainam gawin ang mga text heavy projects dahil nga kaya nitong i-retain ang crisp texts hindi katulad sa mga photoediting softwares pero dependent din kapag exported sa ibang file format.

Magandang paggamitan: Panggawa sa mga astiging signage ng "Ice for Sale" at para sa mga astiging placards sa mga dumadating na balikbayan.

Publishing softwares (Adobe Pagemaker, Adobe InDesign, QuarkXpress, etc.) Dito naman dapat ginagawa ang mga projects na nangangailangan ng maraming pages gaya ng mga books, magazines, etc. Preserved din ang quality ng texts, as long na na-embed ang fonts. Dahil nga pangmaramihang pages ito, ang kadalasang gumagamit ay ang mga hardcore artists. Though pwede ring gamitin sa ibang projects, better pa rin ito sa mga books and the likes.

Magandang paggamitan: Self-titled porn magazine.

Hayan ang iba't ibang design software na pwedeng gamitin. Saka na ibang tips, baka kasi mawalan ng trabaho kaming mga graphic artists.

TV Ads that are made of Pure Awesomeness (non-local)

Honda Civic: Ang galing ng acapella di ba? Utot lang ang kaya kong ipanggayang sound sa kotse.

XBOX 360: Kung ganyan lang ka-powerful mga fingers ko, malamang mayaman na ako dahil marami na akong na-holdap.

Astig talaga mag-conceptualize ng TV Ads sa ibang bansa. Well, sana lang ganyan din dito. Hindi yung mas binibigyan ng pansin ang testimonial ads ng mga celebrities.

'Designed' events for your lifestyle

Para sa mga fellow artists, feeling artists at kahit pa mga posers lang dyan, maraming kaganapan ngayon.

Siyempre, ang una, ang 4th Backdoor Ventures Arts and Music Festival.

Photobucket

Heto ang listahan ng performers:
Teatro Flamenco • Halili-Cruz Ballet • Philippine High School for the Arts • Denise Santos Huang • Miko Pepito • Carnival • Four Leaf Clover • The Dorques • Timog • Johnny Alegre Affinity • Freestyle • DJ Marula • Faultline • Insinara • Syalam • Check • Mayonnaise • Queso • Bembol Rockers • The Long Johns • Brigada • 18th Issue • FMD • Quadro • Drip • The Dawn • Romancing Venus • Urbandub • 524 • The Slave Drum • Ducklings • Eternal Now • Decay Transit • Pack of Wolvz • Sidewinder • Project Fusion • Anwind • Reklamo • Scarlet Tears • Matilda • The Chongkeys • Yosha • Joey Pepe Smith • Wally Gonzalez • RJ Jimenez • Tutti • Sing India • Nityalila • The Late Isabel • Alakpa • Olivia • Lala • Kenyo • Kjwan • Sinosikat • Bahag Hari • Skabeche • The Spaceflower Show • Cosmic Love • Project Ganymede • Kadangyan • DJ Crockan and many more.

Para sa complete schedule, pumunta sa link na ito: http://backdoorvent.multiply.com/calendar

Kung very edgy at tattoo naman ang trip niyo, magaganap naman ang Dutdutan 2008.

Photobucket

Heto lineup ng programs nila:
Day 1 September 19: 10 am to 8 pm
Best Realistic
Best Tribal
Best Arm (8x8 max.)
Best Leg (8x8 max.)
Tattoo of the Day
Best Graffiti Artist

Day 2 September 20: 9 am-2 am
Best Female Tattoo
Best Small Piece (1x1 to 3x3)
Best Big Piece
Tattoo of the Day
Bikini Open & Car Show


Tingnan ang kanilang multiply site: http://dutdutan.multiply.com/

Bigtime artist at gusto pang lawakan knowledge sa graphic design? Attend na ng Graphika Manila 2008.

Photobucket

Ang mga dadalong mga speakers ay sina:
Simone Legno ng TokiDoki, Kristophe Vergne of Pixar, Robert Alejandro, AJ Dimarucot & Caliph8 ng Collision Theory, at sina Ivan Despi & Pauline Vicencio of The Acid House.

Early Bird rates are 65o pesos (student pass) and 850 pesos (regular pass) which is until August 29, 2008. Ngayon, kung medyo natanga at lumagpas sa alloted time ng early bird (dahil late na rin ang post ko nito) ang student pass is 800 pesos at ang regular ay 1,100 pesos naman. Makikita dito ang paraan para ma-avail ang mga tickets: http://www.graphikamanila.com/tickets/registration/.

Para sa karagdagang info, pumunta sa www.graphikamanila.com.

Feel mo ba? Punta na!

Another Intro

Panahon na para naman may matutunan kayo sa akin. Kaya nga ginawa ko na ang blog na ito para naman mai-share ko ang mga kaalaman ko sa tunay na field ko; which is arts, design, advertising, kagaguhan at kahalayan.

Hindi naman ako magtuturo dito ng mga posisyon sa kama o mga methods para sa mas masarap na... Basta yun, kung paano magpalaki ng boobs sa pictures kaya ko pa sigurong ituro.

Syempre, kung may inconvenience man, sorry naman, hindi naman kaya ng brain ko na hagilapin lahat ng kaalaman baka mag-overload.

Salamat.