Someone will Dayo on December

Malulufet talaga tayong mga Pinoy. Talented sa maraming bagay. Hindi na siguro bago sa atin yung mga kababayan nating kinikilala sa larangan ng paggawa ng comics, cartoons, animé at hentai.


Pero kadalasang mga gawa natin, ibang bansa rin nakikinabang at kadalasang hindi tayo nake-credit sa mga efforts natin. Kaya naman merong katulad ng Cutting Edge Productions para gumawa ng animation na ating-atin at angkop sa ating taste.

Pinagkahirapan nila talaga itong Dayo. Mabusisi ang process nila para masigurado nilang maganda ang quality ng ginagawa nilang full-length animated movie. Nu'ng nalaman ko nga kung paano ginagawa nila, naisip kong mahalin na lang ang propesyon ko. Nosebleed talaga ang animation. Hindi lang pawis ang binubuno dito, lahat na yata ng juices—pati na rin lovejuice—pinipiga para lang magawa ang movie na ito.



Trailer pa lang yan. Hintayin niyo na lang sa December. Ako nga naku-curious na rin sa outcome.

You Wanna Be or You Gotta Be?

Talentado ka ba? Pero hindi sa terms na tatawid sa alambre, kumain ng bubog, magpapasagasa sa jeep o humiga sa pako. Hindi rin sa paraan ng pagkanta na katulad ni Charice Pempengco o sumayaw katulad ni Billy Crawford. Ang talent na tinatanong ko ay kung kaya mo bang i-express ang sarili mo sa design. handa ka ng sakupin ang mundo, manalo ng salapi at ipakilala ang sarili mo sa pamamagitan ng astiging t-shirts ng Volcom. Pwes, heto na ang pagkakataon niyong sumikat!



Gumawa lang ng artwork na sumusunod sa theme na “Why Do You Keep on Hurting Your Neighborhood? What's Wrong with You?”. Kahit anong medium pwedeng gamitin; computer, water color, acrylic, photography, at kahit ano pang medium yan basta nakakagawa ng artworks pwede. Sundin lang ang sukat na 16.5 in (width) x 23.5 in (height), 300dpi, JPEG format. Tandaan, ang artwork dapat naka-incorporate ang logo ng Volcom.

*for more terms and conditions, please visit this site

Upload your entries on or before midnight of October 30, 2008 at www.volcomcallforart.com.

Kapag ikaw ang nanalo, hindi lang masigabong palakpakan ang matatanggap mo. Maaaring mag-uwi ng 25,000 pesos at 10,000 pesos shoppng spree of Volcom stuffs from Aloha Boardsports. Hindi lang yun, magiging Volcom Featured Artist pa.

So ano? Mangangarap ka na lang ba o gagawa ka na?