Someone will Dayo on December

Malulufet talaga tayong mga Pinoy. Talented sa maraming bagay. Hindi na siguro bago sa atin yung mga kababayan nating kinikilala sa larangan ng paggawa ng comics, cartoons, animé at hentai.


Pero kadalasang mga gawa natin, ibang bansa rin nakikinabang at kadalasang hindi tayo nake-credit sa mga efforts natin. Kaya naman merong katulad ng Cutting Edge Productions para gumawa ng animation na ating-atin at angkop sa ating taste.

Pinagkahirapan nila talaga itong Dayo. Mabusisi ang process nila para masigurado nilang maganda ang quality ng ginagawa nilang full-length animated movie. Nu'ng nalaman ko nga kung paano ginagawa nila, naisip kong mahalin na lang ang propesyon ko. Nosebleed talaga ang animation. Hindi lang pawis ang binubuno dito, lahat na yata ng juices—pati na rin lovejuice—pinipiga para lang magawa ang movie na ito.



Trailer pa lang yan. Hintayin niyo na lang sa December. Ako nga naku-curious na rin sa outcome.

0 comments: