Lesson 1: Understanding your designing softwares

So gusto mong mag-design? Bumili ka ngayon ng CD para i-install ang software na gagamitin mo, tapos nakita mo. "Ay syet, hindi lang pala ang photoshop ang nandito! Ano ngayon ang gagamitin ko?"

Sa mga hindi nakakaalam, hindi lang photoshop ang ginagamit ng karamihan sa pagde-design. Bawat designing software ay may kani-kanilang purpose. Ang Adobe nga, naglabas pa ng Creative Suite para bigyang pansin ang bawat gawain ng mga designers.

Kaya nandito ako ngayon upang bigyan ng brief description ng mga designing software na ginagamit ng karamihan (mostly print) para hindi naman matanga ang marami.

Basic Photo Editing (e.g. Adobe Lightroom, Aperture, etc.) Heto yung kadalasang gamit ng mga photographers para i-quick edit ang mga pictures na kinuhanan nila. Basic lang ang kadalasang kayang gawin nito, convert ng files, brighten, contrast, red-eye reduction, effects, etc. 

Magandang paggamitan: Ang pag-aayos ng VGA quality sa mga Birds' eyeview Friendster Cam Pose.

Intermediate to Advanced Photo Editing (e.g. Adobe Photoshop, Corel Photopaint, etc.) Ito na yung madalas gamitin pero ang hindi alam ng karamihan, ang main purpose talaga nito ay mag-edit at mag-manipulate ng mga images. Maganda itong gamitin para tanggalin ang mga hindi kaaya-aya sa mga images. Yung mga tigidig na ikinakahiya, mga gustong pumuti, pagpapapayat sa mga matataba saka pagtanggal dun sa mamang nakasilip sa mga barkada pictures. Kung meron mang tatalo kina Belo o Calayan, heto na yun—sa images nga lang.

Okay ring gamitin sa mga posters, banners at iba pang print materials. Pero warning lang, kung text/copy heavy ang gagawin, hindi ito suggestable dahil naka-base ito sa pixels kaya pwedeng mabasag ang text. Pero kung konting text, stars at mga kaek-ekan lang naman, pwede na dito.

Magandang paggamitan: Pagpapangit sa mga kinaaayawang boss at mga kaaway.

Drawing softwares (CorelDraw, Freehand, Adobe Illustrator, etc.) Kadalasang ginagawa dito ay yung mga vector files. From the term pa lang alam na kagad kung saan ginagamit, pang-draw. Sa mga drawing softwares kasi pwedeng i-manipulate ang mga shapes, colors, texts, etc. Ang kadalasang usage nito ay sa mga logos at mga print materials (brochures, banners, flyers, etc.) na may complicated die-cuts (yung mga kakaibang shape na prints). Maganda rin ito pang-trace ng mga images.

At dahil nga vector files ang gamit (.ai, .eps, .fh, .cdr) nare-retain nito ang quality ng mga drawn files. Dito rin mas mainam gawin ang mga text heavy projects dahil nga kaya nitong i-retain ang crisp texts hindi katulad sa mga photoediting softwares pero dependent din kapag exported sa ibang file format.

Magandang paggamitan: Panggawa sa mga astiging signage ng "Ice for Sale" at para sa mga astiging placards sa mga dumadating na balikbayan.

Publishing softwares (Adobe Pagemaker, Adobe InDesign, QuarkXpress, etc.) Dito naman dapat ginagawa ang mga projects na nangangailangan ng maraming pages gaya ng mga books, magazines, etc. Preserved din ang quality ng texts, as long na na-embed ang fonts. Dahil nga pangmaramihang pages ito, ang kadalasang gumagamit ay ang mga hardcore artists. Though pwede ring gamitin sa ibang projects, better pa rin ito sa mga books and the likes.

Magandang paggamitan: Self-titled porn magazine.

Hayan ang iba't ibang design software na pwedeng gamitin. Saka na ibang tips, baka kasi mawalan ng trabaho kaming mga graphic artists.

0 comments: